Isang driver ng ride-hailing app, hinoldap at ginilitan sa Cavite

Nakaligtas ang isang ride hailing app driver matapos na holdapin at gilitan sa Tanza, Cavite.

Kuwento ng biktima, nagbook ang 2 suspek mula sa Ermita, Maynila patungo ng San Juan.

Pero nang makarating sa Paco Bridge sa Sta Mesa, dito na nagdeklara ng holdup ang mga suspek kung saan tinutukan siya ng baril at kutsilyo ang biktima.

May 2 oras umano silang bumiyahe hanggang sa makarating sa Cavite at pagdating sa lugar kung saan ibinaba ang biktima ay dito na siya tinangkang patayin ng mga holdaper.

Agad naman siyang nakawala sa pagkakatali at tinulungan ng dumaang naka-motorsiklo at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Agad nagsagawa ng backtracking at koordinasyon ang pulisya.

Nasampahan na nila ng reklamong carnapping, robbery at frustrated murder ang pangalan na nag-book sa biktima at kasama nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *