Isang centenarian sa Olongapo tumanggap ng 100K mula sa DSWD

Personal na inihatid kahapon ng Department of Social Welfare and Development at mga kinatawan ng Local Government Unit ng Olongapo ang 100,000 cash incentive para sa isang centenarian sa lungsod.

Ito ay tinanggap ni lola Barbara Rosalina Dela Reyna ng Brgy. Sta. Rita, Olongapo City.

Maliban dito ay mayroong karagdagang sampong libong piso na tinanggap ito mula naman sa Pamahalaang Panlungsod.

Ang insentibo ay alinsunod na rin Centenarian Act kung saan nakakatanggap ng 100,000 ang mga Pilipinong umaabot sa isandaang taong gulang.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *