Isang American sex offender, hinarang ng BI sa NAIA terminal 1

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 dahil sa pagkakasangkot nito sa sex crime sa Estados Unidos.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Thomas Henry Vander Waal, 39 anyos.

Dumating ang nasabing dayuhan sa Terminal 1 sakay ng isang flight mula sa Taipei, Taiwan.

Ayon kay Tansingco, kaagad silang nag-isyu ng exclusion order laban kay Waal matapos makita sa listahan ng BI ang kanyang pangalan na kabilang sa registered sex offenders.

Giit pa ng opisyal na mahigpit na ipinagbabawal na makapasok sa bansa ang isang indibidwal na nahatulan ng isang krimen upang hindi ito magdulot ng banta at panganib lalo na sa mga kababaihan at mga bata sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *