Isa patay sa sumiklab na sunog kahapon

Sumiklab ang sunog kahapon sa isang residential area sa Block 1, Upper Federico St., Gordon Heights, Olongapo City.

Ayon sa BFP Chief F/Supt. Roderick DJ Marquez, isang lalaki ang nasawi sa insidente matapos hindi makalabas habang nailabas naman ang kasama nito ng mga rumesponde kaagad sa lugar.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Kinilala ang biktimang lalaki na si Mario Casaway na mayroon umanong iniindang karamdaman.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng naging dahilan umano ng sunog ay ang pagluluto na gamit ay kahoy.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Vice Mayor Jong Cortez