Isa pang grupo ng bizmen, suportado ang appointment kay Finance Sec. Recto

Inaasahan ng Makati Business Club, na miyembro ng pinakamalaking conglomerates at multinationals sa bansa, na makatrabaho si Batangas Representative Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).

Binati at ipinahayag din ng business group ang suporta nito sa Finance chief.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa pahayag na inilabas ng MBC, nangangako sila na tutulungan nila si Recto at hiling nila ang tagumpay nito sa kanyang bagong tungkulin kabilang na ang pagpapabuti ng mga batas at patakaran upang makahikayat ng mas marami pang trabaho.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Dagdag pa nito na ang mga nakaraang tungkulin ni Recto sa National Economic and Development Authority (NEDA), House of Representatives, at Senado ay magsisilbing mabuti sa administrasyon at bansa habang tinutugunan ang lumalaking hamon sa pananalapi at ekonomiya.

Una nito, nanumpa na ang dating deputy speaker ng Kamara bilang finance chief. //JC, edited: MENG TRINIDAD