NAGA CITY –Nakatakda ng ipatupad ng City Government ng Naga ang nabuong mga hakbang na nakapaloob sa Drainage Master Plan kabilang na rito ang gagawing pagtrabaho sa magiging ”exit point ” ng tubig-baha.
Isa sa nakikitang puwedeng daanan ng tubig palabas ng lungsod ay mga irrigation canal, na lusot na ang tubig patungo sa Bicol river.
Nakausap ng Brigada News FM Naga si City Councilor Vidal Castillo, Chairman ng infrastructure sa konseho at nabanggit nito na ang patrabaho ay posibleng simulan sa darating na Hulyo.
May mga inaayos pa kasing mga requirements at dokumento bago masimulan ang trabaho patungo sa irrigation canal sa may bahagi ng Barangay Calauag.
Nabanggit niya na isa sa nakitang dahilan sa patuloy na pagbabaha sa Barangay Calauag, Bagumbayan Norte at Sur, maging sa ilang bahagi ng San Felipe ay ang isinaradong drainage canal sa Barangay San Agustin, Canaman Camarines Sur.
Kailangan aniyang dahan-dahan ng maisakatuparan ang anumang programa kontra sa baha lalo na ngayong umuulan sa lungsod tuwing hapon.