‘Irosin Bike Trail’ sa paanan ng Mt. Bulusan ipinagpaliban dahil sa banta ng pag-aalboroto ng bulkan

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Irosin na hindi na muna bubuksan ang kanilang bike trail hanggang sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Francisco “Kiko” Gasias, Municipal Tourism Officer ng LGU- Irosin, hihintayin muna nila ang abiso ng PHIVOLCS kung kailan maaaring buksan ang kanilang ipinagmamalaking eco-tourism adventure para sa mga bicycle rider enthusiast dahil sa banta ng bulkang Bulusan.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Oras na maging normal na ang kalagayan ng bulkan, ang Irosin Bike Trail na umano ang maikokonsidera ng LGU bilang pinakamagandang trail sa buong lalawigan na tiyak na babalik-balikan ng mga mahihilig sa ganitong adventure.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

PHOTO: Google