Irigasyon at iba pang makinarya, naipamahagi na sa mga farmers association sa piling mga barangay sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Naipamahagi na ang irigasyon at iba pang mga makinarya sa mga farmer’s association sa lunsod ng Legazpi sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang mga ito ay mula sa City Government katuwang ang City Agricultures Office.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Ayon kay Mayor Geraldine Rosal, ito ay upang matulungan at mapabilis ang produksyon sa pagsasaka.

Nilinaw ng alkalde, hindi lahat ng mga magsasaka ay mabibigyan ng kagamitan dahil pinili lamang ang mga ito mula sa mga malalaking southern at northern barangay sa lungsod.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Aabot sa 9 na barangay lamang ang naging benepisyaryo nito dahil sila umano ang mas nangangailangan.

Sinabi pa nito, ang iba pang mga makinarya ay pangangalagaan ng City Agricultures Office ngunit maaari naman silang gumamit nito basta’t sila ay magbigay ng liham sa opisina.