NAGA CITY- Tatalakain na rin sa Camarines Sur ang ipinatupupad na sahod para sa mga manggagawa at kasambahay.
Ngayong araw magkakaroon ng press conference na pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pili , Camarines Sur. Mababatid na P30.00 ang itiinaas sa arawang sahod, kaya P395 na ang minimum wage. P5,000.00 naman ang nararapat na minimum para sa mga kasambahay simula noong Biyernes Dec. 1, 2023.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Ms France Ocmer ng DOLE Regional Tripartite Wages and Productivity Board, sinabi nitong inaasahan na nila ang sasabihin ng publiko na napaka kaunti nito habang mataas naman para sa mga employers. Kailangan mabalanse upang maisakatuparan.