Inuming tubig sa Rapu-rapu, Albay kaugnay ng pagkamatay ng isang residente, pinaiimbestigahan na ng PHO

LEGAZPI CITY – Pinaiimbestigahan na ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang umano’y problema sa kontaminasyon sa inuming tubig sa Rapu-Rapu, Albay.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang residente mula sa Brgy. Manila ng nasabing bayan, kung saan problema sa kontaminasyon ng tubig ang itinuturong dahilan.

Ayon kay PHO Water, Sanitation, and Health (WASH) Coordinator Sanitary Engr. William Sabater, pinasisimulan na ang agarang imbestigasyon bilang tugon sa mga ulat ng mga residenteng nagkakaroon ng sintomas ng pagdudumi.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Saad ni Sabater, sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon na kontaminasyon sa inuming tubig ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing residente dahil nagpapatuloy pa rin ang water sampling at epidemiology investigation.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang nasa 20 kaso ng mga nakakaranas ng diarrhea na iniulat ng punong barangay na nakatakdang iberipika ng PESU.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nakatakda namang bumisita at magsagawa ng sanitation at epidemiological investigation ang PHO WASH Team na pinamumunuan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong araw upang mangolekta ng mga sample ng tubig mula sa hindi pa nabubuong water spring sources mula sa nasabing barangay.