International Committee of the Red Cross nakaranas ng cyber attack

Kinumpirma ng International Committee of the Red Cross na nakompromiso ang personal data ng mahigit sa 515,000 na “highly vulnerable people” matapos ang cyber attack sa kanila.

Ayon sa ICRC, dahil sa hacking ay napilitang mag-shut down ang kanilang IT system na sumusuporta sa programa na nag-uugnay sa mga pamilyang pinaghiwalay ng conflict ay migration o disaster.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Aminado din ang ICRC na wala pang linaw kung sino ang nasa likod ng hacking pero posible anilang makompromiso ang mga datus na magli-leak.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Binigyang diin ni ICRC Director-General Robert Mardini na dismayado sila na pinuntirya at nalagay sa alanganin ang humanitarian information ng ahensiya.