Insurhensiya sa Samar, hindi pa rin natutuldukan

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na nahaharap pa rin ang lalawigan ng Samar sa insurgency.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng Presidential Assistance sa Calbayog City ngayong hapon, sinabi nitong ang insurhensiya ang nananatiling balakid sa tuluyang pag unlad ng lalawigan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa kabila nito, iginiit naman ng Pangulo na malayo na ang narating ng pamahalaan sa paglaban sa insurgency.

Sa katunayan limang munisipalidad na sa Samar ang idineklarang may Stable Internal Peace and Security Status.

Nagpatupad na rin ang pamahalaan ng 168 na mga community support projects at natulungan ang 63 mga dating rebelde na sumuko at magbagong buhay.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nanawagan din ang Pangulo sa mga taga Samar na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno upang masiguro na mag ugat ang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar.