Nakiusap umano ang umano’y middleman sa planong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid sa apat nitong kapwa mga inmates na ipinadala para patayin siya, para sa kanyang buhay, bago suluban ng plastic hanggang sa mawalan ng hininga.
Pagbubunyag ng isa sa mga inmates, na isang mayor sa loob o si alyas May-may ang nag-utos sa kanila na payatin si Cristito Villamor Palaña o Jun Villamor, ang umano’y facilitator sa Lapid slay.
Sa kanyang sinumpaang salaysay, inilahad ni alyas Jocon kung papaanu niya at tatlo pa nitong kasamahan pinatay si Villamor, tanghali ng Oct. 18.
Inamin ni Jocon na siya ang humawak ng plastic bag para sukluban si Villamor, habang ang tatlo nitong kasamahan ang humawak sa kamay, braso at paa ng middleman.
Dagdag pa nito, na natagalan sila dahil gumagalaw pa ang ulo ni Jun, at tanging ang nasa isip nalang niya ay matapos na agad ang ipinapagawa sa kanila.
Giit ng inmate, hindi sila tumanggi sa utos ni May-may dahil batid niyang papatayin sila sakaling hindi sumunod, tulad umano ng ibang mga nasaksihan niyang inmates na pinatay nang tumanggi sa utos ni May-may at iba pang dating mayors.
Ang mayor sa kulungan ay inmate na kinikilalang lider ng mga preso sa kumunidad ng selda.
