NAGA CITY – Pinahahanap na ng Naga City Public Safety Office ang driver ng isang tricycle sa lungsod matapos ireklamo ng isang estudyanteng nakaranas ng pangbabastos o para sa kaniya ay porma ng harassment.
Ayon kay Renne Gumba, Executive Director ng opisina, sa oras na mahanap ang naturang driver, kaagad na bibigyan ng citation ticket, lalo na’t pasok sa road arrogant violation na nakapaloob din sa kakapirma pa lamang na Ordinance No 2024-002, sa pagbabalik sa P15.00 na pamasahe.
Maliban pa riyan, maaari ring mapatawan ng parusa sa Anti-Bastos Law sa lungsod, ang biktima nagfile na ng reklamo sa Naga City Police Office, na inabisuhan na ring lumapit na kay City Councilor Gayle Abonal, ang author ng Anti-Bastos Law.
Ang nasabing insidente ay naganap lamang kahapon habang ang naturang estudyante pauwi, nag-iisa nang biglang ayusin ng drive ang kanyang damit at nakipag-usap pa sa kanya na kung nais nitong makipagdate, na ikinabahala niya at naramdamang nababastos na siya, lalo na’t sa panahon na iyon hindi nagpapasakay ang driver ng ibang pasahero. May mga nagsasabing baka mahilig lamang mangbiro ang driver na para sa biktima ay hindi magandang biro.