Increase sa benefits rates ng PhilHealth, ipatutupad sa Pebrero 14

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation na magsisimula na ang pinataas na coverage rates sa Pebrero 14, 2024.

Matatandaan, Nobyembre 2023 nang inanunsyo ng PhilHealth na tataas ng hanggang 30% ang rates sa benefist packages nito upang mabawasan ang out of pocket expenses ng mga Filipino.

Read More:  Senate court allows NBI agent to testify in VP Duterte impeachment trial

Ayon kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña naglabas ang ahensya ng Circular No. 2024-001 na naglalaman ng case rates o benefit packages.

Layunin umano ng adjustment benefit packages ang mapababa o mabura na ang balanseng binabayaran sa pagpapaospital.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Sa kabila nito, nilinaw ng ahesnya na hindi lahat ng case rate packages ay tataasan dahil ang ilan sa mga ito ay na-adjust na limang taon ang nakaraan.