Incoming NEDA chief, inihayag na nasa krisis na ang agrikultura sa PH

Nasa krisis na umano ngayon ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang sinabi ni incoming Socioeconomic Planning secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan, kasabay ng paglalatag sa tumataas na presyo ng bigas at meat products, maging ang mababang profitability sa farming.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Sa gitna nito, nakikita ni Balisacan na lalo pa itong lalala sa mga susunod na araw, dahil target na ng ibang mga bansa na mag-adjust sa bilang ng kanilang export products para sa benepisyo ng kanilang mga mamamayan.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Dahil dito, binigyang diin ng incoming NEDA chief na kailangang protektahan ang mahihirap at vulnerable sector, at iginiit na dapat bigyan ang mga ito ng tulong lalo na sa panahong ito. //MHEL PACIA