Incoming DOT chief, hihintayin ang health protocol ng susunod na administrasyon

Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco na hihintayin niya ang health protocol kabilang ang mask mandate na itutupad ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Frasco, galing umano sila sa bansang Singapore kung saan ginawa ng optional ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Aniya ang ginawa nilang ito ay nagresulta ng muling pagtaas ng turismo at ekonomiya ng naturang bansa.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Samantala, matatandaang muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat sundin ang national guidelines na ipinatupad ng Interagency Task Force laban sa COVID-19.

(ARGIE ERGINA)