Incoming DepEd Sec. Angara, wala umanong nakikitang problema sa pagbaba sa pwesto ng ilang opisyales ng DepEd

Nilinaw ni Incoming Department of Education (DepEd) Secretary, Senador Sonny Angara na nirerespeto niya ang naging desisyon ng ilang undersecretaries at assistance secretaries ng kagawaran sa kanilang ginawang pagbibitiw sa pwesto bago ang pag-upo niya.

Ilang araw kase bago ang pag-turnover at pag-assume sa pwesto ni Angara ay bumaba sa pwesto si DepEd Undersecretary at Chief of Staff Michael Poa at maging ang isa pang undersecretary at tatlong assistant secretary.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Alinsunod nito, tiniyak niyang magsasagawa siya ng agarang pagtatalaga sa mga pwestong nabakante upang makagalaw at usad agad sa kanyang termino bilang kalihim ng DepEd.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Maalala, nag-ugat ang pagtatalaga ng Pangulo kay Angara nang magdesisyon si Vice President Sara Duterte na bumababa sa pwesto nitong kamakailang linggo.