Inaugural participation ni PBBM sa WEF, tagumpay – Diokno

Itinuturing na tagumpay para sa bansa ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang inaugural participation ni Pangulong Ferdiand Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa isang panayam , inilarawan ni Diokno ang pagdalo ni Marcos sa mga aktibidad sa WEF bilang “path-breaking.”

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Pinuri rin niya ang Pangulo sa mahusay na pagpapakita ng matatag na ekonomiya ng Pilipinas sa international community. Dagdag pa niya, ang partisipasyon ng mga leading Filipino business leaders sa WEF ay nagpapahiwatig rin ng malakas na suporta ng private sector partners sa administrasyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa kanyang one-on-one na dialogue kay WEF President Børge Brende, nagpahayag si Marcos ng kumpiyansa na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa  6.5 percent ngayong 2023. Binanggit niya ang pagtutok ng administrasyon  sa pagpapalakas ng public-private partnerships at pagpapalakas ng micro, small and medium enterprises o MSMEs.//CA