IMF magbibigay ng $1.3-B emergency aid sa Ukraine

Inanunsyo ng International Monetary Fund na magbibigay ito ng 1.3 billion dollar bilang emergency aid sa Ukraine sa pamamagitan ng bago nitong food crisis assistance program.

Ayon sa IMF, magagamit ang package sa layunin ng Ukaine na “urgent balance sa payment needs”.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Matatandaan na nagdulot ng matinding paghihirap sa mga mamamayan ng Ukraine ang pagsalakay ng Russia.

Labis naman ang pasasalamat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa IMF partikular sa managing director nitong si Kristalina Georgieva at executive board sa suporta sa kanilang pagsisikap na makabangon.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Inihayag naman ng IMF na nararapat sa Ukraine ang “considerable credit” dahil napanatili nito ang mahalagang degree ng macro-financial stability sa napakahirap na sitwasyon.