Illegal color game at beto-beto operators, arestado sa Lipa City, Batangas

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong inidbiwal matapos mahuli ng mga awtoridad na iligal na nag-o-operate ng color game at beto-beto sa Purok 3, Barangay Quezon, Lipa City, Batangas.

Nakilala ng Lipa City Police Station ang mga suspek na sina Agnes Laydia y Lalog, 44-anyos; Daisy Mosca y Magadia, 52-anyos; at Arnold Amande y Aala, 31-anyos.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Batay sa imbestigasyon, pasado alas-10:00 ng gabi noong July 6, 2023 nang magsagawa ng operasyon ang Intel Operatives ng Lipa CPS laban sa iligal na sugal na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Doon ay huli sa akto ang pag-o-operate ng mga suspek ng Color Game at Beto-beto nang walang kaukulang permit.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng Color Game Table, isang set na Beto-beto table at cash money na nagkakahalaga ng P 6,338.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga naturang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602.