Ilegal POGO operations sa bansa, lalo umanong lumalalim at lumalawak ayon sa isang senador

‘Katakut-takot’

‘ganyan kung ilarawan ni Senate Committee on Ways and Means, chairperson, Senador Win Gatchalian ang kanilang mga napag-alaman sa naging executive session kahapon.

Anya, lumabas kase sa kanilang diskusyon na lumalalim at lumalawak na ang galamay ng mga nagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Read More:  President Marcos receives PLM’s highest honorary degree

Ito ay matapos lumutang sa naging sesyon na marami ng mga enforcement agency, pulitiko at maging local crime syndicate na nakikipagtulungan dito.

Kaugnay nito, muli siyang nanawagan sa pangulo na aksyunan na ito at ipagbawal na sa bansa ang pag-operate o pagpasok ng POGO bagamat sinasabing nagdadala ito ng kita sa ekonomiya.

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Pagpapaliwanag niya, kung hindi pa kase ito matitigil ngayon ay mahihirapan na ang gobyerno na alisin o puksain ito sa darating na panahon.