ILBO, inilabas na vs SUV driver na nanagasa ng sekyu

Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng immigration lookout bulletin order laban kay Jose Antonio San Vicente, ang driver ng SUV na nanagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Menardo Guevarra, na i-se-secure na rin nila ang precautionary hold departure order laban kay San Vicente sa oras na magkaroon na muli ng development sa imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil dito.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ang hakbang na ito ng DOJ ay kasunod ng hiling ng Mandaluyong City Prosecutors Office na dapat nang maglabas ng immigration lookout bulletin order laban sa may-ari ng sasakyan.

Layon ng immigration lookout bulletin order na agad na inalerto ang Office of the Secretary of Justice at ang Office of the Prosecutor General hinggil sa impormasyon kung tatangkain ng SUV driver na umalis ng bansa sa pamamagitan ng international airport at seaport.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Una na rito ay sinabi ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit nilang binabantayan ang mga kilos ni San Vicente.

Batay sa huling monitoring ng PNP, sinabi ni Police Lt. Gen. Vicente Danao na hindi pa ito nakakalabas ng bansa.

Una na ring sinabi ni Danao na kahit wala pang hold departure order ay ipinag-utos na niya ang pag-aresto kay San Vicente sa oras na mamataang lalabas ito ng bansa.
#