Naghain na ng urgent motion sa Korte Suprema ang ilang transport at commuters group laban sa ikinakasang PUV consolidation sa December 31.
Ito ay dahil hindi pa naglalabas ang Korte ng temporary restraining order hinggil sa nasabing deadline na una ng hiniling ng grupo.
Una silang naghain ng petisyon para sa TRO noong December 20 pero wala pang desisyon ang Supreme Court dito.
Kahapon inatasan lamang ng Korte Suprema ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magsumite ng kumento sa petisyon sa loob ng 10 araw.
Sinabi ng mga petitioner na umaasa sila na agad na magpapalabas ng TRO ang Koprte Suprema dahil sa dami umanong maapektuhang tsuper at pasahero.
Idinahilan din ng mga petitioner ang mga memorandum circular ng LTFRB na maraming ruta ang wala pang route rationalization plan.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang December 31 deadline para sa consolidation.
