Ilang senador, pinatitiyak na mapo-protektahan ang mga estudyante dapat protektahan mula sa ‘no permit, no exam’ policy

Pinatitiyak ni Senador Christopher Bong Go na mapro-protektahan ang mga estudyante mula sa ‘no permit, no exam’ policy ng mga paaralan.

Sinabi ng senador na ang pagpigil sa mga mag-aaral sa pagkuha ng pagsusulit ay isang pasanin na humahadlang sa kanilang kakayahang mag-concentrate sa kanilang pag-aaral.

Read More:  Cayetano vows minority bloc will continue work after Villar’s exit

Maliban dito ang naturang patakaran ay maaari din umanong maging sanhi ng depresyon sa mga estudyante o mas malala pa.

Bagama’t kinikilala ni Go na ang mga paaralan ay nangangailangan din ng pinansiyal upang magpatuloy sa operasyon, ang pangunahing layunin pa rin ng mga eskwelahan ay magbigay ng dekalidad na edukasyon.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Iginiit ng mambabatas ang dapat balansehin ang pangangailangan ng mga estudyante at ng mga paaralan.