Ilang residente sa Naga City, pinoproblema ang sangkaterbang langaw

NAGA CITY- Nakakulambo ang ilang residente ng Panicuason Naga City habang kumakain, dahil kung hindi makakasalo nila o kung hindi naman ay makakain na mismo ang sangkaterbang langaw.

Ito ang ipinaabot na impormasyon sa Brigada News FM Naga ng isang concerned citizen.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panayam kay Punong Barangay Domingo Ramos, sinabi nitong noong mga nagdaang araw nawala na ang peste pero nitong weekend ay mayroon nanaman. Sumulat na ang Barangay sa pamunuan ng poultry farm at ngako ng solusyon, naibsan ang problema matapos na magspray pero balik nanaman sa dati.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang poultry ay nasa boundary ng Carolina at Panicuason kaya naniniwala ni Ramos na naapektuhan din ang mga residente sa karatig Barangay.

Mungkahi nito mag spray ng pamatay langaw hindi lamang pampa-alis sa mga ito.