Ilang opisyal ng Olongapo, rider groups, transport group at mga otoridad nagsama-sama sa isang summit

Nagsama-sama ang ilang mga opisyal ng Olongapo City, rider groups, transport group, Engineering Office, Department of Public Works and Highways, Land Transportation Office, PNP at Traffic Management Office sa isinagawang Traffic and Safety Summit kahapon.

Ayon kay Vice Mayor Jong Cortez, kabilang sa mga pinag-usapan dito ang datos ng mga nangyayaring aksidente sa kalsada.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Base umano sa mga nagiging responde ng Disaster Risk Reduction Management Office, tuwing araw ng Linggo at Lunes ay may nangyayaring aksidente habang sa datos naman ng PNP Traffic Investigation Unit ay mas marami na ang naitatalang disgrasya ngayong taon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa Bise-Alkalde, nais nilang malaman sa bahagi ng legislation kung ano pa ang mga dapat gawin para mabawasan o maiwasan ang mga road accidents.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO