Ilang mga PDL sa Naga nagkasakit na sa balat dahil sa mainit na panahon

NAGA CITY- Nagkasakit na sa balat ang ilang mga Person’s Deprived of Liberty (PDL) sa male dormitory dahil sa init ng panahon, pero ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology may mga hakbang upang hindi na lumala ang sitwasyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay male dormitory Acting Jail Warden JCINSP Rodolfo Versoza Jr., binanggit nito na kaagad silang nagbigay ng gamot at ihinihiwalay ang may sakit upang hindi na makahawa. 

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

305 ang populasyon ng male dormitory lamang kaya nagsisiksikan kung lahat nasa loob ng piitan kaya pinapalakas ang mga aktibidad sa compound ng BJMP, tulad ng basketball, pinatitibay din ang mga livelihood program at iba pa. Ngayon dalawa  na lamang ang nakaisolate na nangangati ang balat.