Ilang mga nasitang driver sa Naga City nagsipagtapos pa lamang sa seminar- LTO

NAGA CITY –  Dismayado si Grace Rojas  ,head ng Land Transportation Office-Naga dahil sa ang mga nasita nilang mga driver na may traffic violations ay karaniwang mga bagong nagtapos pa lamang sa seminar na isinagawa nila noong huling quarter ng taong 2023.

Si Rojas ay sumama sa mga personahe ng kanilang opisina noong nakaraang araw para  sa regular na pagpapatrolya kasama naman ang ilang Public Safety Office personnel,kaya nakita nila ang mga pasaway na mga drivers ng mga single motorcycle, may e-bike at pa na tumakabo mismo sa gitna ng national highway ng lungsod na bawal sa kanila.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Batay sa pahayag ni Rojas sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang tila walang natutunan ang mga driver sa kanila ng pagdalo ng mga ito sa seminar hinggil sa rules and regulations ng ahensiya sa trapiko.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Hindi pa aniya naka rehistro ang mga sasakayan ng mga ito kaya inabisuhan nilang mag pa rehistro sa City Hall o kaya naman sa kanilang opisina.