Ilang mga manggagawa sa Bicol inip na sa proseso ng pagtaas minimum na sahod

NAGA CITY- Inaprubahan ng Wage Boards ng National Capital Region at Western Visayas ang minimum wage hike para sa manggagawa.

P55 hanggang P110 ang dagdag sahod para sa Western Visayas habang P33.00 sa Metro Manila, ang tanong ng mga Bicolano, kailan kaya sa Region 5?

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ayon kay Roderick Opeña ng Ocampo Camarines Sur, napapa-sana all siya, kawawa aniya ang mga empleyado kung hindi pa maipapatupad ang dagdag sahod.

Para naman kay Zenia Moral ng Naga City, kulang na kulang ang P310.00 na arawang sahod lalo na sa may anak na , ngunit mas mabuti na aniyang may inaasahan.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment Bicol na kailangan nilang sundin ang nasa batas 30-araw matapos ang public hearing. Sinabi ni DOLE Regional Director Zen Campita matapos ang prosesong ito iaaakyat pa sa National Wages and Productivity Commission para mareview at maaprubahan susunod ang 15-days publication.