Ilang mga mababatas, nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Rep. Nonoy Andaya

Humingi ng hustisya ang ilang mga mambabatas par sa pagkamatay ng dating mambabatas at dating budget secretary na si Nonoy Andaya.

Ayon kay Majority leader Martin Romualdez, nakikiramay sila sa pagpanaw ng dating Majority Leader.

Malaki umano ang naiambag ng dating mambabatas sa Kongreso at marami rin ang mga panukalang ipinasa nito na nakatulong para sa mga Mamamayang Pilipino.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Nagpa-abot din ng pakikiramay ang iba pang mga mambabatas mula sa Bicol Region.

Para kay Albay Rep. Joey Salceda, itinuturin niya ang ama ni Andaya bilang kanyang mentor.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito – parang kapatid na raw ang tingin niya sa namayapang mambabatas.

Matatandaang natagpuan na lamang na walang buhay si Andaya.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
#