NAGA CITY- Mabigat man sa loob naiintindihan ng ilang mga ordinaryong manggagawa ang hindi kaagad pag sang-ayon ng mga negosyante o mga nasa management sector sa ihinihirit na taas-sahod, mababatid na ang hiling ng mga employer pagkatapos na ng eleksyon desisyunan dahil halos kababalik lamang sa negosyo.
Ayon kay Norilyn Cabrito ng Camaligan , Camarines Sur sa ngayon kontento naman siya sa pangako na pakikinggan ang labor sector ngunit sana aniya ay maisakatuparan. Matindi kasi talaga aniya ang naging epekto ng pandemya at ramdam niya ito bilang tourist worker.
Samantala, sa jobs fair kahapon sa Naga City kaugnay ng Labor Day pare-pareho ang hiling huwag mapako sa P310.00 ang arawang sahod. Una nang sinabi ni Department of Labor and Employment Regional Director Zen Campita na bago matapos ang Mayo 2022, may wage order na.