Ilang kooperatiba sa bayan ng Camalig Albay, sasailalim ng mentoring training mula sa Municipal Cooperative Development Office (MCDO)

BNFM BICOL – Sasalang sa mentoring training ang mga kooperatiba sa bayan ng Camalig Albay.

Sa isang public post kinumpirma ng lokal na pamahalaan na ang aktibidad ay pangangasiwaan ng ‘Municipal Cooperative Development Office (MCDO) katuwang ang Bantonan Community Development Cooperative (BACODECO).

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kapasidad ng bawat eksistidong kooperatiba sa usaping pakikipagsosyo sa iba pang kooperatiba, pribadong sektor at komunidad.

Itinuturing naman ng lokal na pamahalaan na malaki ang ambag ng mga kooperatiba sa pag-unlad ng ekonomiya sa kanilang bayan partikular na sa mga kanayunan. Matatandaan na kabilang sa mga adbokasiya ng lokal na pamahaan ng Camalig ang pagtugon sa kahirapan, pagkakapantay pantay at pagpapaunlad sa bawat sektor ng komunidad

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte