Paggamit ng NTF-ELCAC sa mga litrato ng mga estudyante, inalmahan

Inalmahan ng Miriam College ang paggamit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga litrato ng kanilang mga estudyante na walang paalam.

Sa isang pahayag ay sinabi ng school president na si Ambassador Laura del Rosario na kinuha ng NTF-ELCAC ang litrato mula sa website ng kolehiyo at ginamit ito sa online forum na idinaos noong January sa pamamagitan ng Facebook live nito na may title na “Para sa Youth PH: The Relaunching.”

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabi ni del Rosario na makikita na konektado ang video sa isang post kung saan ay sinabi na makakasama nila ang mga student leaders mula sa iba’t-ibang unibersidad upang talakayin ang isyu sa redtagging, DND-UP Agreement, at Anti-Terror Act of 2020.

Ipinunto ni del Rosario na nakarating sa kanila na ginamit ng NTF-ELCAC ang cropped group photo ng kanilang high school students sa isa sa mga presentasyon nito sa nasabing online forum.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Iginiit ni del Rosario na ang mga estudyante sa nasabing litrato ay naging kinatawan ng Miriam College sa isang international competition na ginanap sa Yale University sa Estados Unidos noong 2019, kasama ang kanilang mga guro.

Samantala, nagpadala na ang kolehiyo ng sulat sa NTF-ELCAC para hilingin ang agarang pag-alis sa litrato ng kanilang mga estudyante sa online forum na inorganisa nito.