Ilang critical issues na kinakaharap ngayon ng CNPH natalakay sa ikatlong araw ng Integrated Provincial Health Development Planning Forum

CAMARINES NORTE – Natalakay ang ilang critical issues na kinakaharap ng Camarines Norte Provincial Hospital sa ikatlong araw ng Integrated Provincial Health Development Planning Forum na inorganisa ng Department of Health Bicol na ginanap dito sa bayan ng Daet.

Sa presentation ng draft Hospital Development Plan, inisa- isa ni Administrative Officer IV Doms Pereyra ang critical issues na hadlang para sa epektibong health service delivery.

Kabilang dito ang structural integrity ng main hospital building na nagdi- deteriorate na at marami nang kwarto ang dapat i- rehabilitate.

Compromise na umano ang integrity ng gusali kaya concern na rin ngayon ang safety at long term sustainability nito.

Wala rin umano ngayong sewage treatment plan ang ospital kaya nahaharap ito sa iba’t- ibang hamon at ‘potential’ hazard sa kapaligiran at public health.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Marami naman daw equipment ang CNPH pero ilan sa mga ito ay kailangang ma- modernize at limitado lang rin ang diagnostic and treatment equipment.

Kulang din ang ambulansiya na nagagamit sa pag transport ng pasyente.

Sa ngayon ay mayroong apat na ambulance ang ospital, tatlo dito ay type 1 at isa naman ay type 2 na kailangang- kailangan.

May mga kailangan ding punan sa iba’t- ibang unit tulad ng ICU, equipment, staff at iba pa.

Kulang din sa mga specialistang doktor na tutugon sa pangangailangng medikal ng mga pasyente.

Nag- ooperate naman sa maximum capacity ang dialysis clinic na may 12 dialysis unit pero mataas pa rin ang demand ng mga nangangailangan ng serbisyo nito lalo’t daang pasyente ang nasa wait list.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Bagamat sapat umano ngayon ang bilang ng nurses ay kadalasang hindi naman nagtatagal ang mga ito at umaalis din kapag nakakuha na ng experience.

Problema rin hanggang ngayon ang overcapacity dahil sa dami ng mga pasyenteng dinadala dito araw- araw.

Ang license to operate ng CNPH ay 150 bead capacity pero pumapalo sa 350 ang mga pasyenteng sineserbisyuhan.

Nahaharap din ang ospital sa financial challenges dahil hindi umano sapat ang pondo na inilalaan ng provincial government. Sa kabila nito, may mga ginagawa namang improvement ang provincial government at on -going din ngayon ang construction ng 5- storey hospital building.