Ilang civic leaders naghain ng petisyon sa Korte Suprema para pigilan ang proklamasyon ni BBM

Nakarating na sa Supreme Court ang petition na humihiling para i-cancel ang paghahain ng kandidatura ni leading presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ipinahihinto ng civic leaders sa SC na pigilan ang senado at kamara na magsagawa ng canvassing of votes para kay Marcos at pigilan din ang pagproklama dito bilang nanalong presidente.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon sa mga petisyuner dapat maglabas ng Temporary Restraining Order ang kataas-taasang hukuman upang mabigyan ng sapat na oras at mapag-aralan ang kanilang petisyon.

Kasama sa mga hinihiling ng grupo sa Korte ay mabaliktad ang resolusyon ng COMELEC na nagbabasura sa petisyon madisqualify si Marcos Jr.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Naniniwala umano silang pakikinggan sila ng Korte Suprema para ideklarang Ab Initio at hindi kasama sa mga lehitimong kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 National Elections si Bongbong Marcos.