Ilan pang schedule ng satellite voter registration ngayong Abril inilabas ng Comelec Provincial Office

CAMARINES NORTE – Naglabas ng listahan ang Commission on Elections ng mga lugar na mayroong mga naka- schedule na satellite voter registration ngayong Abril.

Maliban sa mga Barangay tutungo rin ang Comelec sa eskwelahan.

Read More:  Grade 10 student found carrying loaded revolver inside Iloilo school

Sa April 12, magkakaroon ng satellite registration sa La Consolacion College of Daet.

Naka- schedule naman ang satellite registration sa Barangay Borabod sa Apeil 19, Mancruz sa April 25 at Pamorangon sa April 26.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Magkakaroon naman ng special satellite registration para sa mga senior citizen sa pinakamalalayong Barangay ng Mercedes.

Ngayong araw, April 4 ay nakatakdang tunguhin ng Comelec ang Barangay Lalawigan, Lanot sa April 5 at Masalongsalong sa April 12.