Ikatlong ‘Alice Guo’ marapat lang umanong imbestigahan ng NBI

Ipinunto ni Senador Win Gatchalian na marapat lang maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ‘authenticity’ ng pagkatao ng ikatlong ‘Alice Guo’.

Kasunod ito sa naging pagsiwalat noong nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa isang babae na kapangalan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bagamat iba ang mukha nito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ngunit sa kabila ng natuklasang ito, hindi umano pupwedeng burahin ang katotohanan na nag-match ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese national na si Guo Hua Ping.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Alinsunod nito, marapat lang umanong patuloy na imbestigahan ng awtoridad ang tungkol sa katauhan ng mga lumalabas na ‘Alice Guo’.