Ika- limang Community Fish Landing Center sa Camarines Norte pinasinayaan na kahapon

CAMARINES NORTE- Pinasinayaan na kahapon, May 17, ang ika limang Community Fish Landing Center (CFLC) sa lalawigan ng Camarines Norte na matatagpuan sa Barangay Pulonguitguit, Sta Elena.

Pinagunahan ito ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na dinaluhan ng mga maliliit na mangigisda at lokal na opisyal.

Ayon kay Tiam ang CFLC ay magsisilbing landing center ng mga huling isda at dito na rin gagawin ang bilihan.

Pinamamahalaan ito ng organisasyon sa ilalim ng superbisyon ng Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan naman ng Municipal Agriculture Office.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources naman ang magbibigay ng technical assistance lalo na sa capacity building ng mga benepisyaryo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Mayroong 75 benepisyaryo ang CFLC Sta Elena na tinutulungan ng mga naka- assign na Fisheries Livelihood Development Technician (FLDT) mula sa BFAR.

Mayroong anim na CFLC ang Camarines Norte na matatagpuan sa Bagasbas sa Daet, Mangcamagong sa Basud, Sabang sa Vinzons at Calero sa Jose Panganiban

Tanging ang CFLC Paracale na lang ang hindi pa na i-inaguarate.

Noong 2018 ay pinasinayaan ang CFLC sa Vinzons at noong 2019 naman ay sa Dae at Basud.

Layon ng CFLC na isulong ang aggregate fish catch kung saan ito ang magiging bagsakan ng mga nahuhuling isda ng local fishermen

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa pamamagitan nito ay mapo protektahan ang interes ng mga marginalized fishermen at matulungan ang mga ito na mas mapaunlad pa ang hanap buhay.

Ang pagpapatayo ng mga fish landing centers sa iba’t ibang lugar sa bansa ay bahagi ng commitment ng gobyerno sa fishery sector upang maabot ang exclusive economic growth.

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng CFLC ay mapi-priserba ng mga mangingisda ang magandang kalidad ng isda at iba pang fishery products na maaari nilang ipagbili sa tamang presyo na hindi sila nalulugi.

Ang CFLC ay isang programa sa ilalim ng Targeted Actions to Reduce Poverty and Generate Economic Transformation (TARGET) na isang umbrella program ng BFAR.