Ika-5 round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo – kasado na bukas

Simula bukas ay aarangkada na ang isa na namang round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga oil companies, magtataas ng P0.75 sa kada litro ng gasolina.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Mayroon ding itataas na P1.50 sa kada litro ng diesel; habang P0.80 naman sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ika-limang linggong sunud-sunod na oil price hike ngayong taon.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Sa monitoring ng Brigada NewsTeam – ngayong 2024 ay tumaas ng P5.25 ang kada litro ng gasolina. P4.75 naman ang itinaas ngayong taon ng diesel; habang P2.30 naman sa kerosene.