Ika-4 na linggong taas-presyo sa mga produktong petrolyo – kasado na

Aaray na naman ang publiko sa inaasahang ikaapat na pagkakataong pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Enery (DOE).

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOE-Oil Industry Management Bureau, Dir. Atty. Rino Abad, bunsod ito ng hindi pa rin natatapos na usapin sa red sea at ang pagbabawas ng 2.2M barrel supply ng petroleum products mula Jan. – Mar ng Organization of the Petroleum Exporting Countries.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ayon kay Atty. Abad, sa unang linggo naman ng Pebrero makukumpirma kung tuluyang nabawas ang sana’y over supply ng langis ngunit sakaling hindi ay mabilis naman nitong mapapababa ang presyohan sa merkado.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Kung maalala, nitong nakalipas na araw ng Martes, tumaas ng P1.30 kada litro ng gasolina at P0.95 kada litro naman ang idinagdag sa presyo ng Diesel na ikatlong sunod-sunod na oil price hike sa Pilipinas sa pagpasok ng bagong taon.