IDADAIT Project, isinagawa sa bayan ng Baras, Catanduanes

BNFM Bicol- ISINAGAWA ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) Program sa ilalim ng Alagang Familia (ALFA) Project nitong nakaraang Hunyo 27 sa bandang alas 4 ng hapon katuwang ang lokal na kapulisan ng Baras, Catanduanes.

Kaakibat ang tulong mula sa mga Seminarian sa barangay at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na kung saan nagbahagi ang mga ito ng karagdagang kaalaman ukol sa mga responsibilidad na ginaganap sa tahanan at impormasyon patungkol sa mga aktibidad kontra ilegal na droga at pang aabuso sa kababaihan at kabataan.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat
Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Pinangako naman ng mga dumalong magulang ang kanilang aktibong pagtulong sa mga programang ilulunsad ng barangay tungo sa pagwawakas ng krimen dulot ng ilegal na droga at violence against women and children. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from Baras Mps Catppo