NAGA CITY – Umuulan subalit hindi napigilan ang publikong dumalo sa Bayanihan sa Barangay na isinagawa sa Barangay Tinangis, Pili Camarines Sur na kung saan na-avail ng mga ito ang serbisyo ng kanya-kanyang serbisyo na dala ng bawat government agencies na lumahok tulad ng PhilHealth, Technical Education and Skills Development Authority, COMELEC, Phil Statistics Authority, Department of Agriculture, Phil Information Agency , Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas –Camarines Sur at ang 9th Infantry Division Phil Army.
Maaga pa lang ay marami na ang nakapila sa information table ng naturang bawat ahensiya na galing sa iba’t-ibang barangay na ayon kay Army Major Frank Roldan, Public Information Officer at chief ng Division of Public Affairs Officer ng 9th ID, Phil Army ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat.
Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Major Roldan, sinabi niyang nabuo ang programang ito dahil sa masigasig na pagtutulungan ng bawat isa mula sa 9th ID, Phil Army Press Corps, KBP, 9TH ID, Phil Army at ng naturang mga ahensiya ng gobyerno.
Medical check-up, pagtutuli at iba pang serbisyo medical naman ang ibinigay ng mga sundalo ng 9th ID.