IACT inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na UNDAS

Naghahanda na ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero na lalalabas at papasok sa Metro Manila sa darating ng Undas.

Ayon kay IACT chief Charlie del Rosario nagkaroon na sila ng pagpupulong kasama ang MMDA, LTFRB, LTO at PNP kung saan pinag-usapan ang mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Read More:  DSWD assures psychosocial support for those affected by Tacloban school shooting

Kabilang umano ang pagsiguro na mayroon mga masasakyan public utility vehicles ang mga pasahero papasok at palabas ng Metro Manila.

Paliwanag ni del Rosario inaasahan nilang marami ang mga uuwi sa kanilang mga probinsiya matapos ang dalawang-taon nang mahigpit na restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Read More:  DPWH urges public to help identify incomplete, substandard projects

Pinapayuhan naman ng opisyal ang mga luluwas sa Undas na magpa-reserve na ng kanilang biyahe upang maiwasan ang hintayan at kumpulan sa loob ng mga terminal.