Humigit-kumulang 80K na mga teaching at non-teaching personnels ng DEPED sa buong Bicol, makakatanggap ng P18K SRI

LEGAZPI CITY – Aabot sa humigit-kumulang 80,000 na mga teaching at non-teaching personnels ng Department of Education (DEPED) sa buong Bicol Region ang makakatanggap ng special recognition incentive (SRI).

Ito ang kinumpirma ni DEPED Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon sa kanya, nasa kabuuang PHP18,000 ang matatanggap ng magku-qualify sa guidelines ng ahensya.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kung matatandaan, una nang inanunsyo na kahapon ay nakatakdang matanggap ng 900,000 na mga kwalipikadong DEPED teachers sa Pilipinas ang SRI, at kahapon nagsimula ang pagproseso.

Ito rin ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos sa bisa ng Presidential Administrative Order No. 12.

Subalit, ayon kay Jumamil, sa kabila nito, mayroon pa ring exception.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Hindi kasi umano entitled sa SRI ang mga hindi pa umaabot ng tatlong buwan ng pagkaka-hire sa DEPED as of November.

Samantala, nilinaw din ni Jumamil na ang PHP18,000 halaga ng SRI ay hindi rin buong matatanggap dahil ito ay subject to tax, maliban na lamang doon sa mga nasa salary grade 11 para sa Teacher 1 dahil naka-bracket umano ito sa kanilang computation.