House panel, maaaring magpataw ng panibagong “disciplinary action” laban kay Teves 

Maaaring magpataw ng panibagong “disciplinary action” ang House Committee on Enthics and Priviledges laban kay suspended Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo  Teves Jr.

Ito ay kung mabibigo siyang magpakita at magbalik-trabaho sa Kamara matapos ang kanyang 60-araw na suspensyon.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ang suspensyon kay Teves ay ipinataw noong March 15 at magtatapos sa May 14 o sa araw ng Linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, sa halip na umiwas sa imbestigasyon at magtago sa ibang bansa, kailangan na aniyang umuwe ng Kongresista at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Inulit din ni Romualdez ang pagtiyak sa kanyang kaligtasan sakaling bumalik ang mambabatas sa Pilipinas.//CA