‘Anti-No Permit, No Exam Bill’, graduate na sa Kamara

Inaprubahan ng House of Representative kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga mag-aaral sa kolehiyo na may hindi nababayarang matrikula at iba pang bayarin sa paraalan na kumuha ng eksaminasyon na may makatwirang batayan.

Ang House Bill 6348 ay naka kuha ng 237 yes votes, zero no votes at zero abstentions sa plenary session kahapon.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat ng higher education institutions ay dapat magpatibay ng naaangkop na mga patakaran upang matugunan at pahintulutan ang mga mag-aaral na hindi pa naaayos ang kanilang financial obligations na makakuha ng periodic examinations sa kondisyon na magbibigay ang mga ito ng promissory note.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Inaatasan din ng panukalang batas ang CHED na magsagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders at bumalangkas ng implementing rules and regulations ng panukala sa loob ng 90 araw mula sa effectivity ng panukala.