Hotline Alert Response Team opisyal na inilunsad sa San Felipe

Opisyal na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Felipe, Zambales ang Hotline Alert Response Team o HART.

Ito ay bahagi ng mga paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga posibleng malalakas na pag-ulan.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Ang programa ay inilunsad kahapon kasama ang mga punong barangay sa munisipyo.

Sa pamamagitan naman ng HART ay ipinaalam ng lokal na pamahalaan ang hotline number na dapat tawagan mula sa opisina ng mayor, MSWDO, BFP, Coastguard, MDRRMO, RHU, PNP at mga tanggapang barangay sa lugar.//Russell Banawa-BNFM IBA

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

PHOTO: San Felipe As One