Hospitals sa SoKor, naka-red alert dahil sa pag-protesta ng mga trainee doctors

Naka-red alert na lahat ng malalaking ospital sa South Korea kasunod ng pag-walk out at protesta ng mga trainee doctors.

Ito’y matapos ilataga ng South Korean government ang kanilang planong taasan ang medical school admissions upang palakasin ang healthcare sector ng kanialng bansa.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Dahil dito, ilang mga operasyon at appointments na ang nakansela ng mga ospital, na nagpapataas ng pangamba sa karagdagang pagkagambala sa sistemang medikal sakaling tumagal ang hindi pagkakaunawaan.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Sa ngayon, mahigit 8,400 na doktor ang sumali sa walkout, katumbas ng humigit-kumulang 64% ng buong residente at intern na mga doktor sa South Korea.