Honorarium ng mga gurong magsisilbi sa barangay at SK Elections sa Naga City, tumaas! ; Electoral board kulang pa

NAGA CITY – Hindi pa napupunuan ng Commission on Elections sa Naga City ang kailangan nilang mga gurong magsisilbi bilang mga electoral boards sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabatan Elections, nasa mahigit 300 pa lamang ang mga nag apply na mga guro.

Ang kailangan ng COMELEC-Naga ay 900 mga guro na magsisilbi sa elections.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Atty. Maico Julia Jr, COMELEC Officer ng lungsod sa ginagawa nilang paghahanda sa paparating na halalan ngayong Oktobre.

Ayon sa opisyal, mahalagang makompleto ang kailangan nilang mga bilang ng mga guro mula sa Department of Education.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Tuloy din ang pakikipag-ugnayan niya sa naturang ahensiya.

Kinumpirma din niya na ang mga gurong magsisilbi ngayong halalan ay tatanggap ng honorarium nagkakahalaga  mula P8,000.00 hanggang P10,000.00. Mas mataas kung ihahambing sa mga nakaraang BSKE.

Ngayong araw magsisimula na silang tumanggap ng mga certificate of candidacy mula sa mga aspiranteng kandidato.